All About Sub_CARL – Born to RUN (an Interview)

709
carl guevarra shoot 1

Hello guys, we’re back! And this time with a latest celebrity-runner who recently joined our active running community. Discovered by a famous clothing line during a teen model search, blessed and gifted with chiseled-matinee idol looks, with a hunk of a frame that’s the envy of most men . He is a converted fitness buff and self-confessed running newbie who’s interestingly picking up podium win awards and yet remains to stay humble. For only the past couple of months, he has slowly become a fast-rising “mamaw” runner in the making. Let’s get to know him more and say hi to CarL Guevara!

Interview by: Ms_Mars
Photo Credit: PhillipBF
Location: UP Oval/Sunken Garden/Heartbreak Hill/Palma Hall

Ms_Mars:
Hello CarL and welcome to Pinoyfitness.com.

CarL:
Hi and thank you Ms_Mars, salamat sa invite and excited na po ako for this interview.

Ms_Mars:
That’s good to know, CarL. We’re also as excited. Simulan na natin?

Advertisement

CarL:
Yes!

Ms_Mars:
People are curious but not everyone may know yet, that you were formerly obese. Was it something acquired or hereditary?

CarL:
Bale, nagsimula nung bata ako, Siguro mga, 6 or 7 years old? Dun na ako nag-start lumaki. Hanggang mga 16 years old so na-acquire ko. As in sobrang takaw para lumaki ako ng ganun (laughs).

Ms_Mars:
Does it run in the family?

CarL:
Yes sa mother side. Talagang malalaki sila. Pero yung sa father side ko naman, maliliit tsaka payat sila. Actually lahat ng mga kapatid ko tumaba eh, lahat sila. Ngayon yung isang kuya ko ang pinakamataba. Parang yung weight ko dati napunta sa kanya. Tapos yung sister ko naman, medyo pumapayat na rin. Kung hindi ka magda-diet tapos part pa ng family namin. Mabilis kaming mag-gain ng weight. So kelangan mo talagang alagaan kung ano yung kinakain mo.

carl-shoot (3)

Ms_Mars:
So you were eating all kinds of food?

CarL:
Oo. Before talaga. Tsaka maya’t maya (laughs). Kasi daddy ko mahilig sa junk food, chips. Kasi mahilig siyang manuod ng TV, mga movies,so habang nanunuod, kain. Ako naman, kapag may nakikita akong food sa bahay, kahit hindi ako nagugutom, kain ako (laughs). Ang mama ko bihira siyang magluto ng ulam, so daddy ko laging nag-oorder ng fast food – McDonald’s, Jollibee, pizza so talagang fattening yung mga pagkain.

Ms_Mars:
Did you have health risks? Naging sakitin ka ba?

CarL:
Hindi naman. Kapag may sakit ako, hindi ako umiinom ng gamot. Actually, kapag maysakit ako hindi ko na lang binabanggit sa mama ko. Yung mga minor lang naman na sakit like ubo’t sipon. Di ba yung iba binibigyan agad ng gamot? Sa akin, wala eh, hindi ko na lang sinasabi sa mama ko. Pero kinabukasan, nawawala naman (laughs). Baka kasi kapag nalaman ng mama ko, sasabihin niya, “Ayan kasi masyado mo ng pinapagod sarili mo, baka masyado ka ng nagwo-workout. hindi mo inaalagaan sarili mo.” Alam mo naman mga magulang, mga moms. So ako, quiet na lang.

Ms_Mars:
Ibang klase ka pala (laughs). What were the sports that you liked most?

CarL:
Basketball (beams widely!) Kahit ganun yung weight ko, nag-MVP pa nga ako eh. Sa intramurals sa school, tapos meron ding inter-barangay. Lagi nila akong kinukuha. Magaling naman akong mag-basketball kahit ganun ako kalaki. Basketball ang hilig ko talaga.

Ms_Mars:
Ang galing. What player position?

CarL:
Pointguard. And one more sport, yung soccer. Dapat mag-Varsity ako sa school kaya lang hindi na siya natuloy eh. Syempre gusto ko, kaya lang ayaw ng mama ko eh. Kasi nag-worry siya baka maapektuhan ang school ko, kasi matindi ang training. Nakita nya pagod ako. So I decided to stop na lang. But i tried training for one month.

carl-shoot (7)

Ms_Mars:
Share with us how you managed to lose all those weight. And how your dad supported you?

CarL:
Gusto ko ng mag-gym kasi I noticed palaki na ako ng palaki. Nag-enroll ako sa gym malapit sa amin, maayos naman siya, Hindi siya yung buhatan lang (laughs). Nakita nung daddy kong pursigidong mag-gym ako so after a month, he enrolled me sa Fitness First, eversince, until now dun pa rin ako. Daddy ko nagbabayad, kinuha niya ko ng personal trainer. Tapos nakita ko binabayaran niya yung personal trainer, hindi pala biro magkaroon ng trainer every session. Nagulat ako so kapag hindi ko ito seseryosohin sayang lang binabayad ng daddy ko. So sineryoso ko. Ang dami kong sessions dun. Siguro gumastos daddy ko ng mga P100,000 ang mahal! So nung nakita niyang pumapayat ako, sinabi sa daddy ko na alam ko na yung workout and routine na ginagawa namin and food na pwedeng kainin, sabi ko stop na kasi sayang eh. Kaya ko na naman. Yun nga kapag may personal trainer ka, napu-push ka sa ginagawa mo. Because minsan may time na tinatamad ka.

Ms_Mars:
Naku totoo yan. How soon was the effect ng mga gym workouts?

CarL:
Nung una hindi ko pa nararamdaman eh. Pero marami nang nagsasabi, “Uy Carl, pumapayat ka na ah.” But para sa akin, hindi eh. Hanggang sa naging ganito na katawan ko (laughs). Pumayat na ako. Sabi nila payat na ako, pero feeling ko ganun pa rin. Hindi ko napapansin eh. Kahit na nung time na mataba ako, feeling ko hindi ako ganun kataba. Until nakita ko nung pumapayat na ako, Nakita ko na yung picture ko, grabe ang laki ko pala. Mare-realize mo na kapag lumiit ka na.

Ms_Mars:
And how true you able to shed off and lose all that excess weight in just a year?

CarL:
Yup! One year lang, Ms.Mars. Ang daming nagulat pati mga classmates ko nung high school. Maximum weight ko then was 240lbs, at 16 yrs old with a height of 5’7″ that time ah. So talagang malapad.

carl-shoot (8)

Ms_Mars:
How young are you and anong average weight mo now?

CarL:
Twenty-two years old turning 23. Weight 148 lbs. at 5’9″ tall.

Ms_Mars:
Amazing transformation! And what about your fitness regimen?

CarL:
Almost everyday nagwo-work out ako para laging fit. Cardio and leg exercises. Nagjo-jogging din ako sa MOA area. Hindi buo araw ko kapag hindi ako nakakatakbo – 5K minimum or at least between 10K to 12K a day on the road or sa treadmill.

Ms_Mars:
Ang daming inggit sa washboard abs and physique mo. Pang fitness magazine! Congrats!

CarL:
(Laughs) Salamat po. Hard work and pagpu-pursige talaga ang kailangan. Dapat may goal. At dapat maingat sa diet at food intake. Kapag kumakain kami sa mga restaurants ng daddy ko,tinatanong ko, pwede bang grilled tuna, no salt pepper lang. Or olive oil. So depende. Iba talaga kapag disiplinado ka sa kinakain mo, focused ka sa diet mo.

Ms_Mars:
That’s good advice. You are also very close to your family. Na-miss mo sila for quite sometime?

CarL:
Oo naman. Bumalik ako sa family ko sa Pasay. I used to live alone in a QC condo for two years. Kahit na may condo ka, iba eh. Masaya kasi kapag nasa bahay ka with family. Kasi si mama nagda-drama pa na, “Yung dalawang mga kuya mo wala na, may mga pamilya na.” Tapos yung sister ko na lang nakakasama nila. So I decided for now to stay kasama sila. Kahit papano magkakasama kami. Nakaka-kwentuhan lagi. Bonding. Kapag wala namang work lagi akong nasa Pasay. Natutuwa ako kapag kasama ko family ko. Masaya!

carl-shoot (5)

Ms_Mars:
Good to know tight-knit family kayo. How many other siblings do you have?

CarL:
Apat kami. Three boys and bunsong babae. Ako yung bunso sa guys. Yung kuya ko si Paolo, siya talaga ang mahilig mag-model. May mga nagawa na rin siyang commercials. Siya ang reason bakit ako nasa showbiz courtesy of Be Bench Model Search. Silang dalawa ng Kuya Louie ko, are both married. Parehong may mga panganay. Meron na akong dalawang pamangkin (wide smile). Our youngest si Claudette, nakakasama ko siyang tumakbo. Sa RUNew and Go Natural nag-5K siya. Hindi siya masyadong nagpu-push. Gusto niya lang exercise, matapos (laughs). Hindi tulad ko. Hindi ko alam kung anong hinahabol ko eh. Hindi ko alam kung nakikipag-compete ba ako sa mga Kenyans? (Laughs)

Ms_Mars:
Sounds unbelievable but is it true na wala kang any formal training in running?

CarL:
Wala po. Basta tumatakbo lang ako (laughs). Kahit yung mga running terms, hindi ako familiar. Yung pinsan ko si Chris, siya yung madalas kong kasama sa mga runs, sa kanya ko natutunan yung terms na PR, or Sub 30 halimbawa. Hindi ko alam 42K pala marathon na (laughs).

Ms_Mars:
That 21K is half marathon and distances na mas mababa…

CarL:
Fun run ang tawag like 10K or 5K (laughs).

Ms_Mars:
Correct! And now you’re a regular participant in weekly runs. Nag-start ka lang more than 2 months ago.

CarL:
Last year pa dapat ako nag-push sa pagtakbo, kaso hindi ko nakahiligan ngayon lang. Naiikot ko itong UP Oval dati like 3 loops, sometimes 4 loops na dire-diretso. No walking. Yung ibang mga kasabay ko sa gym, naglalakad. Ako tuluy-tuloy lang. Sarap ng feeling. Magandang tumakbo dito sa UP. Parang Camp Aguinaldo ang surroundings. Simula nung nag-run ako daddy ko laging sumasama.

Ms_Mars:
Your first fun run was Goldilocks Run last year?

CarL:
Yes, sa Goldilocks. 5K lang yata ako dun. Support yun kay Dingdong (Dantes) na kasama ko sa PPL Entertainment. Masaya naman siya.
(Note: CarL is being managed by Perry Lansigan of PPL Ent. who’s also handling the careers of Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, LJ Reyes, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Rochelle Pangilinan, Janno Gibbs and Dingdong Dantes, to name a few.)

Ms_Mars:
Surprisingly, in less than a month, you got your first podium medal? Ang galing!

CarL:
Opo sa Rainbow Run! Tuwang-tuwa ako. Naka-3rd place ako dun sa 10K with medal. Nakakatuwa rin yung mga costumes ng ibang runners. Hindi ko rin alam na ano pala siya…uhm…

Ms_Mars:
A project of the Ladlad Group.

CarL:
Oo, pero masaya. Masaya. Fun run talaga siya (laughs).
(Note: CarL was awarded 3rd place 10K category during Rainbow Run with a time of 0:40:49.)

carl-shoot (4)

Ms_Mars:
Ang bilis mo ring nag-level up?! You also ran for Condura Skyway and take note – 42K!

CarL:
(Laughs) Oo nga eh. Gusto ko kasi may progression lagi.

Ms_Mars:
Progression is good motivation but jumping to 42K only after a few 10Ks? Wow!

CarL:
Pero before ako nag-42K Ms_Mars, nag-21K ako during Go Natural last January 15 after ng 10K sa Todo Responde Run. Back to back yun. Time ko was 1:48 yata sa Go Natural. Ang first run ko nung January was 10K sa Pinoy Glory. Tapos tumakbo rin ako sa Timex 16K kasabay si Piolo Pascual, pero 10K lang siya dun. Kung alam ko lang may medal yung 16K sa Bull Run, nag-16K na rin ako (laughs). Sayang! Tinakbo ko sa Bull Run 10K lang. Tapos yung 3rd place ko sa Rainbow Run.

Ms_Mars:
Kumusta naman ang first 42K experience for Condura Skyway? Was that your most memorable run event so far?

CarL:
Yes, siya na yung pinaka-memorable sa ngayon. Yung mama ko, sumama siya. Biro mo, 12AM pa lang! (Laughs) Sabi nga nya, “Sure ka, tatakbo ka ng 42K? Sigurado ka? Baka mabigla ka?” I recall nung nag-cross sa finish line yung first Kenyan, sinugod siya, yung runner, sa hospital.

Ms_Mars:
Talaga? May sinugod pala.

CarL:
Meron. Tapos yung mama ko worried. Yung mga ibang sumunod okay naman, nasa recovery area. Napansin niya lahat sila. Nung nakita na niya ako nag-cross, tanong niya, “Okay ka lang? May masakit ba sa iyo?” Sabi ko, I’m okay naman.” Nakakatuwa. Pero nakakapagod, hindi ko na lang pinakita (laughs). At nakakangalay talaga yung 42K. But over-all, okay naman. Ganda ng medal! (Gestures the size of a saucer). Sayang lang wala akong picture sa finish line, solo ko pa naman sana (laughs). Ang alam ng daddy ko mga 4:00am to 4:30am ang dating ko. Never ko na-expect matapos siya ng time of 3:17? Nag-bio break sila eh. Sa dami ba naman ng timing, dun pa (laughs).

Ms_Mars:
Good thing nakunan ka ng Active Moments photog sa finish line.

CarL:
Opo nga, mabuti na lang, nakita ko nga. Naiilang pa nga akong pumuwesto sa harap. Kasi kapag nasa harap ka, di ba dapat consistent speed mo? Wave A kami ng pinsan ko si Chris pero nakatakbo kami mga 12:15AM na yata kasi ang daming runners tapos hinati pa yung isang wave sa smaller waves. Ang dami ko pang naunahan sa 37K. Ang daming ibang runners nagulat sa bilis ko. Kasi yung iba naglalakad na.

Ms_Mars:
Ang yabang! (Laughs)

CarL:
Naalala ko, may na-encounter akong runner, nakahinto siya. Kinumusta ko, “Kuya, okay ka lang?” Sabi niya inatake na siya ng cramps. Iniisip ko kung tutulungan ko i-stretch legs siya, baka maapektuhan yung time ko. Babagal ako. So binigay ko na lang yung isang baon kong GU Chomps. Inunahan ko na siya. Sa finish line nagkita kami, nag-Thank You uli siya.
(Note: CarL’s official 42K time during Condura Skyway 2012 was 3:24:16.)

Ms_Mars:
Nice, nag-Good Samaritan act ka pala.

CarL:
Sa Phil. Dental Run, nagkita uli kami nung same runner. Oo! Pareho kaming nag-10K. “Naunahan mo na
naman ako,” joke niya sa finish line (Laughs). Tapos dun sa Race for the Orphans 10K, yung nag-3rd place, medyo niyabangan niya ako. Sabi ko naman, “Ako nga walang training, takbo-takbo lang.” Pero naunahan kita. Hindi ko na sinabi yun (laughs). Yung isang amputee runner, mabilis din siya ah. Nakakatuwa yung event na yun. First time ko ring tumakbo sa Camp Aguinaldo. Maganda ang route. Napansin ko rin, sa running, sa actual event, lahat seryoso, galit-galit pero after the run, okay na, nagkaka-kwentuhan sandali, kinukumusta yung run, bati na uli (laughs).
(Note: CarL was awarded 2nd place in the 10K category of Race for the Orphans with a time of 0:41:50.)

CarL:
Excited na ako for Run United. Goal time ko 1:35!

Ms_Mars:
Attainable. Go for it! So RU1 will be your third 21K run?

CarL:
Yes. Bale third na siya. Yung second 21K ko, sa RUNew event. First time I felt sumakit tuhod ko. Cemented pavement kasi sya hindi sya asphalt like sa The Fort or sa Camp Aguinaldo. Dun kasi rolling pero nagtataka ako ayun pa ang mabilis ko, 1:36 sa 21K. Sabi ko sa sarili ko, abnormal (laughs).Nakaramdam ako ng pain sa upper abdomen, parang may hangin, ang hirap huminga sa 5K pa lang. Sa watch ko, nasa 43mins na, kasi average ko sa 10K is between 40 to 41mins, so sabi ko, baka hindi umabot or baka mas mataas yung time. But at 1:37, pwede pang i-push yung time at least 1:35 kung hindi lang sa pain.
Nag-jog na lang ako the rest of the route. Ang daming lubak. Merong malalim. Good thing na-warningan na ako ng pinsan ko sa areas na may lubak. Kasama kong tumakbo sister ko si Claudette nag-5K siya tsaka pinsan namin si Chris, nag-21K din.
(Note: CarL’s official 21K PR for RUNew event was 1:36:56.)

Ms_Mars:
How many pairs of running shoes do you have?

CarL:
Apat yung running shoes ko. Newton pang long distance runs. Nike Lunar pang short distance runs ko. Yung K-Swiss Kwicky Blade Light, hindi ko pa nagagamit. And yung Zoot Ultra Race pinanglalakad ko. Hindi rin ako familiar sa mga running shoes (laughs). I have a stability Newton shoe pero ang paa ko neutral pero okay lang naman. Dalawa lang gusto ko – Newton and K-Swiss. Merong binibigay sa akin pang neutral, pero hindi ko gusto yung design pambata (laughs). I really go for design. Mas gusto ko yung design. I shy away from the analysts kasi baka yung sapatos na dapat para sa akin hindi ko magustuhan.Pero for now, Newton shoes ang madalas kong ginagamit.

carl-shoot (2)

Ms_Mars:
Any running idols?

CarL:
Si Mario Maglinao. Ang galing niya at ang bilis pa, wow! Best time niya sa 10K – 30 to 33mins – ang bilis nun grabe! At saka si Coach Rio. Okay si coach, magaling din. I also admire Kikay Runner kasi sa mga female runners, mabilis siya. Kay Piolo? Kahit papaano mas mabilis ako sa kanya (laughs). Mas mababa time ko sa 10K. Even with Bearwin Meilly, mas mabilis din ako pero because of running pumayat din siya.

Ms_Mars:
Yes, all thanks to running. You mentioned na you’re also interested mag-triathlon?

CarL:
Hopefully by September, baka mag-start na kong mag-train for swimming. Or mag-join sa relay team, dun ako sa running part. Kasi ayun na ang gamay ko. Yung 102KM,
Ms_Mars, ilang hours yun?

Ms_Mars:
Almost one day. Cut-off time niya is 18hours. At dapat may support crew ka kasi hindi biro ang mag-ultramarathon and kailangan several weeks to months of special various training kung decided kang mag- try for BDM 102K.

CarL:
Kasi baka magulat kayo mag-ultra running na ako agad! (Laughs) Sige subukan natin baka next year. Maganda yan, new challenge!

Ms_Mars:
Okay, we will stay tuned for that, CarL. Surprise us! Kunin mo kami as part of your support crew (laughs).

CarL:
(Laughs)

Ms_Mars:
Podium Win vs PR in every run event?

CarL:
Ang habol ko lang talaga yung oras eh, alam ko namang hindi ako magti-third kapag may Kenyans, may mga elite runners na talagang praktisado, so sa oras lang, sana bumaba yung running time ko. Kasi kung habol kong mag-2nd or 3rd, training talaga. Paghandaan kung ano ang ginagawa nila. With my schedule, may tapings pa ako, puyat, sometimes 24 hrs ang trabaho, minsan meron kaming mga regional shows ng Saturdays, minsan Sundays so mahirap din eh. Buti na lang hindi nate-tyempo ng may takbo. Nag-request ako sa Road Manager ko, kay Paolo to block off 4 to 11AM ng Sundays to give way and may time para tumakbo. Maganda ang running, nakaka-alis ng stress. Enjoy and kahit paano exercise.

Ms_Mars:
That’s very true.So what are your upcoming run events?

CarL:
Naka-reg na po ako for BDO Run and sa Yakult Run. Gusto ko ring i-try yung sa Rogin-E’s Last Man Running? Tingnan ko kung hanggang saang distance and kung ilang oras kong kakayaning tumakbo.

Ms_Mars:
Wow, sa LMR, para ka nang nag-instant ultramarathon in the city! Good luck!

CarL:
Oo nga eh. Kaya exciting, Ms_Mars! Sa Running Dead event, try kong suotin yung Green Lantern costume ko (laughs).

Ms_Mars:
(Laughs) Ayan, may heads up na, now we know ikaw yung naka-green costume! Take care of your life flags.

CarL:
Itatago ko siya (referring to life flags) ng husto (Laughs)!

Ms_Mars:
And there we go. Maraming salamat. We look forward to having you again here, CarL. Your fitness journey has been very inspiring. That nothing is impossible. Some things are attainable. Now that you’re also into running, and despite your being a newbie, you continue to surprise and impress us with your better and faster PR and performance in every race. That you were really born to run! Your message to our growing community here at pinoyfitness.com please?

CarL:
Thank you rin, Ms_Mars and sa Pinoyfitness. Nag-enjoy ako dito sa interview. Salamat ng marami sa support. Gusto ko talagang maging runner. And ang message ko sa mga fellow runners – Enjoy running! Stay focused. And…good luck!

Ms_Mars:
Out of curiosity CarL, how was your carbo loading nga pala for Condura?

CarL:
That Saturday, kumain lang ako ng favorite chocolate donut – Krispy Kreme. Tapos kinabukasan, race day, kumain ulit ako ng 3 pieces Krispy Kreme before going to Alabang. And after the race, I felt natunaw silang lahat (laughs)!

Note: CarL’s official RU1 21K PR was 1:29:45. Six minutes faster from his goal. Last March 11, he ran for St. Luke’s Eye Run event and was awarded 2nd place 12K with an official time of 0:49:06. And just last March 18, participated at Race Against Raze and placed 3rd 16K category with the official time of 1:06:00. Congrats Mamaw CarL and more podium finish and run power to you!

*Special THANKS to Perry Lansigan and Paolo Luciano of PPL Entertainment,Inc.

43 COMMENTS

  1. very inspiring story!

    saw him zoom past me in two races effortless pa.

    ngayon tuloy ang concrete goal ko eh matapatan PRs niya.

    way to go, Carl! see you again at the races!

  2. wow naman ang guapo buti nakapag concentrate ka habang ini-interview mo si carl ms mars, hahaha!
    sayang di mo naitanong kung anu time sia tumatakbo sa MOA, para makasabay ko…hahaha! :)

  3. @cadz
    it was a challenge to concentrate talaga,hehe.
    as per the jogging sked, wait lang let me ask. naks!
    thanks a lot my dear for taking time to read, syempre naman db? ^_^

  4. ay mamaw nga hehe. hi Ms_Mars nasa lucban quezon po ba kayo nung last takbo para sa banahaw?parang nakasalubong ko po kayo on my way back sa 8km i think of the 12k. kayo po ata yung sinabihan ko ng GO!MAAM!!!hehe

  5. i super enjoyed reading the interview. :D the looks the speed, the body… what can you ask for dba @Ms_Mars?
    :D

  6. @doc summer
    ahh sige po doc, mag-aatach ako sa FB page mo. paki-abangan na lang.

    medyo masama pa’ng pakiramdam ni CarL yday sa Rogin-E kaya overall 9th place lang sya sa 10K+4K categ. which is not bad.

  7. Idol! :) I saw him earlier during the BDO run! I have respect for people in Showbiz who run, especially those who train talaga. Idol!

  8. Mamaw talaga, newbie 3:24 sa Full Mary, wowow, dati PR lang ni Kuya Kim, Piolo at Bearwin ang bini-beat ko ngayon may bago na at ang layo pa ng difference

  9. Hello po.
    Many thanks guys for your pleasant and nice feedbacks. CarL also read the interview outcome and liked your comments a lot. Na-inspire siyang mag-improve and mag-perform better.

  10. @kurdapi
    @cyanide09

    salamat po sa comments. congrats on your BDO Run. Kapuso CarL also enjoyed this run kc he shared it with his sister and 2 other friends. Happy siya to be in the Top 16 overall 15K category.

  11. @RnB Soul
    hello! appreciate your time in reading the article. thank you po.
    the nice thing about CarL is that he does find time to join weekend runs in betwn busy scheds and aims to always improve on his PR.

  12. @deemenrunner
    hey noel, scary PRs ba? hehe. pang Eugenator running level ba? salamat for reading the interview as you promised ^_^

    next sa line-up? secreeet but i know na-mention ko na sau before TBRDM Day kung sino eh. *wink*

  13. @mark gallardo
    yupz aabangan mo nga indeed, mark ^_^
    thanks for the time in reading abt CG. just stay tuned, marami pang exciting peeps to be featured. malay mo, one of them could also be you? naks!

  14. Hi there runner friends joining our contest, pls paste the G&W statement on our Sub_Mars page and not here po.

    Comments here shld be related to the interview. Many thanks!

  15. galing nya ngayun alam ko na kung bakit di ko sya mahabol..more training pa..lage lang kami nagsasabay sa daan pero naiiwanan din ako kalaunan..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here