Hindi pa huli ang lahat, Huwag mawalan ng Pag-asa.

4144

Dati ako yung tipong kayang kumain sa Mang Inasal with 5 extra rice, mahilig din akong kumain sa KFC na sinasabaw halos yung gravy. Ako yung tipong walang pakialam sa katawan, kahit sinasabihan na ako na ako ng mga kaibigan ko na daig ko pa buntis lumamon.

Actually dati, hindi talaga ako marunong mag alaga sa sarili ko, basta pag nagutom ako lalamon ako ng lalamon, at favorite ko rin ang beer, kaya siguro ang taba at ang laki ng tyan ko. At ako din yung tipong tao na kapag may nagyaya mag foodtrip… GO Agad! 😂

Nag simula ako tumakbo nung may nag bully sakin na sobra akong nasaktan, sinabihan ako na “Ang taba mo manas na yung pisngi mo daig mo pa ang buntis”, sinabayan pa na nalaman ko na niloko ako ng ex ko 💔

Advertisement

Dun ko naisip na kailangan ko nang mag diet, gusto kong ipakita sa kanila na kaya kong pumayat at hindi ako habang buhay na magiging MATABA.

So nag try ako mag jogging, at nung sa simula, sobrang hirap talaga, sa bawat hakbang ramdam ko yung bigat ng katawan ko. May mga oras na gusto ko na talaga mag give-up, buti nalang meron akng nanay na sobrang supportive, minsan sya pa nag re-remind sakin, sabi nya “ituloy tuloy ko lang yang takbo nak, papayat kadin, tiwala lang”. Kaya yung nanay ko talaga yung nag i-isang motivation ko kung bakit ko ginawa lahat to ngayon.

Isa sa pinaka mahirap na challenge sakin ay yung WORK ko. Casino dealer kasi ako at shifting yung schedule ko every week. Morning Shift, Mid Shift, Night Shift… pabago-bago bawat linggo, kaya kailangan talaga mag adjust sa tulog at mag hanap ng oras para maka takbo.

Naging challenge din sakin yung sumali ng mga race events, kailangan ko mag adjust ng pasok, minsan nakikipag palit pa ako ng rest day or else kailangan mag leave para makapunta lang at makatakbo.

Pero lahat yun masasabe ko naman na WORTH IT lahat ng pagod kasi sobrang malaking improvement ang nangyari sakin lalo na ngayon na meron na akong confidence sa sarili na kaya ko pala yung akala kong hindi ko kayang gawin. 💪🏻💞

Paano ko nalampasan lahat yun? 😂 Dream big and determination. Nangarap lang ako noon na sana bumaba ung timbang at pumayat ako na katulad ng nagagawa nang iba. 68KG (150lbs) down to 50KG (110lbs) 💞

Dahil sa meron akong goal sa sarili ko na dapat gawin ko to para sa sarili ko kase sa huli para din naman sakin to lahat. Sobrang worth it lang at sobrang gaan sa pakiramdam na makikita ako ng mga taong nag bully sa akin na paano ko daw nagawa ang lahat nang yun kase alam nila na sobrang tamad at wala akong hilig sa exercise dati nung mataba pa ako 🤗 Almost 2 years na ang nakalipas at ang daming nang nag bago sa sarili ko.

Advice ko lang sa ibang tao na gustong maging FIT at active, na huwag kayong mawalan ng pag-asa at lagi nyo lang labanan ang katamaran. Important din ang diet at healthy eating, pero huwag niyo din gutumin ang sarili nyo (cheat day paminsan minsan).

Huwag niyo din itigil ang pagiging active sa sports at run kapag pumapayat na kayo, ituloy nyo lang. Huwag nyo hayaan na bumalik pa kayo sa dati ninyong katawan, sayang ang lahat ng pinaghirapan at pinag daanan ninyo.

Mahirap pero sa huli hndi kayo magsisisi bakit nyo to ginagawa sa sarili nyo 🤗 Habang bata pa tayo hindi pa huli ang lahat. 🤘🏻💪🏻 ~ Janina Marie Vallejo (Yna)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here