Victor Ting an Interview about Running for Life

4526

victor-ting-runner (10)

We asked ultra-marathoner Victor Ting some questions about his life and about running and we got some inspiring answers.

“Runners don’t race other runners. They race against themselves to conquer their wills, to transcend their weaknesses, to beat back their nightmares and actually beat themselves. He can beat his time even years into running he can get better.” – Victor Ting

Victor Ting
Birthdate: September 16
70+ years old
Interviewed by: Marie Ville

1. May anak po ba kayo?
– Meron, apat. Dalawang lalaki at dalawang babae.

Advertisement

2. Ano po ang natapos niyo?
– Highschool lang.

3. Sino po ang nag-udyok sa inyong tumakbo?
– Bale yung parents ko kasi namatay, 40+ namatay na kasi may lahi kami ng ano yung high blood. Kaya yun, naisip ko tumakbo na lang para pinaka exercise.
victor-ting-runner (1)

4. Ano po ang una ninyong pagtakbo?
– Ang una tinakbo namin yung mga fun run muna. Tapos ang unang-una kong tinakbong marathon yung sa Johnson & Johnson Marathon Clinic, 42K.

– 1982, Johnson & Johnson Band aid Marathon ang first marathon ko. Ang oras ko na tinakbo ay 3 hours and 26 minutes. Ang edad ko diyan, 37 years.

5. Ano po ang pinakamalayong tinakbo ninyo?
– Ang pinakamalayong tinakbo ko ay 160 Km this year lang. Noong January 29, tinakbo ko BDM – Bataan Death March Ultra marathon.

– Ang marathon ko from 1982 to 2011 is 36 full marathon. Kasi nung araw from 1982 hanggang 1990, bihira ang marathon. Minsan twice a year lang nagkakaroon ng marathon. Hindi gaya ngayon, ngayon halos isang taon ang daming marathon. Iba-ibang lumalabas na marathon pero dati dalawa lang kaya nga kaunti lang tinakbo ko eh kasi mabibilang mo sa isang taon dalawa lang. Pero nahinto ako from 1990 hanggang 1998, hindi ako tumatakbo noon. Nagskip ako sa mountaineer. Pero from 2000 until now, tuluy-tuloy na takbo ko ulit.

– Ngayon yung 2009 hanggang 2012, tinakbo kong ultra marathon labing-anim. Kasama na diyan yung dalawang 102 km tsaka isang 160 Km.

6. Ano po ang ginagawa ninyong pag-eensayo?
– Ang training ko yung every day akong tumatakbo pero every other day medyo maiksi lang naman mga 10K kung walang marathon na tinatarget ko. Kung may malapit na marathon, yan nag-eensayo ako ng mahaba talaga. Usually kung walang competition, every morning tumatakbo ako pero ano lang mga isang oras ganyan. Every other day naman, naglalakad ako pero halos araw-araw akong lumalabas.

victor-ting-runner (5)

7. Sino po ang kasama ninyong mag-ensayo?
– May mga grupo ako eh. Mayroon kaming mga running club. Minsan ako lang mag-isa, minsan may kasama na kasamahan namin sa mga runner ganyan.

8. Para po sa inyo, ano po ang simbolo ng pagtakbo?
– Ang takbo kasi parang adventure din yun eh. Lalong-lalo kung pumunta sa lugar na di mo pa nakarating, makikita mong tanawan yung habang tumatakbo parang pasyal lang. Nakakalibang ba. Nakaka-enjoy at nakaka-meet ka ng mga bagong friends, mga runner friends ganyan. Masaya.

9. May kasama pa din po ba kayong ka-edaran ninyo?
Mas bata sakin meron, meron ding matatanda pero pailan-ilan. Pero mas karamihan mga bata pa.

10. Ano po ang mayroon sa pagtakbo at ito’y mas nagustuhan ninyo kaysa sa ibang isports?
– Eto kasi, isa pa pinakamura na yan. Walang gastos. Bibili ka ng sapatos lang, makakatakbo ka na. hindi gaya nung iba yung mga golf yung mga ano marami talagang gadget na gagamitin, magastos. Tsaka nung araw, ang takbo talaga napakamura. Mga may P100 nakakasali ka na sa running pero ngayong panahon, nako Diyos ko, pinakamababa P500 hanggang libo.

– Pero noon talaga napakamura kaya every week nakasali kami sa mga running pero sa ngayon kung wala kang budget hindi ka pwedeng sumali at tsaka yan ang pinaka ok sa lahat ng sports, nakakaexercise ka, iwas sa mga sakit lalo na mga diabetes, highblood, iba-ibang sakit nakakagaling yan kaya na-engganyo na ako.

11. Ano po ang masasabi ninyo sa mga taong nanghuhusga na bakit pa kayo tumatakbo sa ganyang edad?
– Alam mo yung mga nasasabi ng taong ganyan hindi runner yun. Pero yung mga runner, alam niya kung ano yung katayuan ng isang runner. Saka isa pa ang takbo naman ay sa sarili mo. Parang nilalaban mo sarili mo lang na kaya mo ibreak yung sariling oras mo.

12. Ano po ang pinagkaaabalahan ninyo noon?
– Dati photographer ako. May studio ako, kumukuha ako ng video hanggang ngayon ganun pa din ginagawa ko kaya lang retire nako pero tumatanggap pa din.

13. Ano po ang pinakapangarap ninyo sa buhay?
– Yung takbo-takbo lang kasi kung hindi ako nakatakbo ng isang araw hindi ako. Masaya eh so dapat talaga nakakatakbo ako. Parang nagiging habit na yan kaya sa edad kong ito maaga akong natutulog mga alas otso tulog nako tapos mga alas quarto gising nako tumatakbo ganyan.

14. Ano pa po ang pangarap ninyong marating sa pagtakbo ninyo?
– So para sa birthday run ko, pupunta kami sa laguna at tatakbo kami papunta sa Quezon City na mga 70 Km. Kaya ginawa ko ito kasi may pinakahahandaan ako sa November 1-4, tatakbuhin ko yung western 200 Km. yung 200 Km every day kaya 3 days na pagtakbo yun. At kapag natapos ko yan, mayroon pang susunod yung Norface next year 100 sprint yan na yung pinaka final at hindi na ako tatakbo ng ganyan kahaba kasi may edad na din ako. Pero tuloy pa rin ang pagtakbo ko sa mga marathon pero yung ultra, 50 Km na lang.
victor-ting-2012
15. Ano po ang mensahe ninyo sa mga kaedad ninyong gusto pang tumakbo?
– Runners don’t race other runners. They race against themselves to conquer their wills, to transcend their weaknesses, to beat back their nightmares and can actually beat themselves. He can beat his time even years into running he can get better.

– Don’t limit your challenges. Challenge your limits.

– Huwag ninyong isipin yung hirap tumakbo lalo na yung mga first timer na sasali ng marathon o ultramarathon. Basta isipin mo kaya mo yan, tatapusin mo yan, huwag kang susuko. Running is a mind game.

85 COMMENTS

  1. “Ang takbo kasi parang adventure din yun eh. Lalong-lalo kung pumunta sa lugar na di mo pa nakarating, makikita mong tanawan yung habang tumatakbo parang pasyal lang.”

    You rock, Sir!

  2. galing naman ni sir! ako kasi, half-marathon lang ang tinatakbo ko. pinakamalayo na siguro na susubukan ko eh itong 32k sa ru2. siguro kasi pakiramdam ng katawan ko hanggang dun lang, saka hindi na ako enjoy tumakbo na lalagpas ng 4 na oras. nakakatuwa lang magbasa ng mga ganitong kwento. hope to see you po in one of the races here, although i don’t expect it to be in a full marathon and beyond. siguro sa finish line na lang. astig ang istorya mo sir! :)

  3. Lupet mo mr ting. IDOL NA KITA. Ako tatakbo pa lang ng aking first 21 kms this saturday at before end of the year mag 32 or 50 kms din. sana ma meet ko kayo

  4. galing…. sa tingin ko magiging ganyan din ako in the future pero mukhang malabo ng ma beat ko yung 3hrs 26mins nya at 160km nya… kontento na ako hanggang 42km lang :-)

    congrats po…

  5. very well said, salute to you sir!

    – Runners don’t race other runners. They race against themselves to conquer their wills, to transcend their weaknesses, to beat back their nightmares and can actually beat themselves. He can beat his time even years into running he can get better.

    – Don’t limit your challenges. Challenge your limits.

    – Huwag ninyong isipin yung hirap tumakbo lalo na yung mga first timer na sasali ng marathon o ultramarathon. Basta isipin mo kaya mo yan, tatapusin mo yan, huwag kang susuko. Running is a mind game.

  6. my salute to you sir.. nakaka inspire! in running there is no age limit; the only requirement is the “will”. Keep it up sir.. more km to you.

  7. This man is the true Ironman. I met him about 500 meters from the turn-around point at TNF100, with about 4 or 5 runners with him. To my surprise, he was power-walking uphill to the tower of Mt. Sto. Tomas! I greeted him with a loud “Go Mang Victor” as an encouragement.

  8. ran with him knina 21km lng dn ako heheh lakas tlga nya U0001f44fU0001f44fU0001f44fU0001f4aaU0001f4aaU0001f4aaU0001f3c3U0001f3c3U0001f3c3

  9. Hope one of those marathon event makasbay ko po kayo tumakbo..kung maiwan po aq..papicture nlng po.hehe.planning to join my first half marathon on RunUnited sana andon din po kyo sir Victor Ting.

Leave a Reply to Joel Alegre Cancel reply

Please enter your comment!
Please enter your name here