Contributors

The Lonely Runner (Parody)

4

The Lonely Runner (mapagmahal na lagi na lang iniiwan)

*Inspired by Gary Granada’s Mabuti Pa Sila*
*Words by Ernest Carual*

Mabuti pa ang GU gels,
laging mayroon sinisiksikan
Mabuti pa ang rocktape,
laging mayroon dinidikitan
Mabuti pa ang Garmin,
laging mayrong tumitingin
Di tulad kong laging walang pumapansin

Mabuti pa ang RU registration,
lagi na lang inaabangan
At mas mapalad ang hydration station,
lahat sila’y nag-uunahan
Napaka swerte ng pang spray,
hawak ng medic na maganda
Di tulad ko lagi na lang nag-iisa

Ano bang wala ako na mayron sila
Di man lang maka isa habang iba’y dala-dalwa
Pigilan nyo ako na magpatiwakal
Mabuti pa ang bayad sa race nasasabihan ng “mahal”

Kahit ang paa ay may medyas
At ang sapatos may sintas
Mabuti pa ang brown envelope
Ay yakap-yakap ang bib sa loob
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad ko lagi na lang nag-iisa

Mabuti pa ang simpleng headwear,
laging hinahalik-halikan
Mabuti pa ang mga u-turn,
hinahanap mo at babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad ko lagi na lang nag-iisa

Pigilan nyo ako na magpabundol
Bakit si Patrick Concepcion sa mga girls ay papable! 😍😍😍

Mabuti pa ang race cut-off,
palaging may naghahabol
Kahit na ang masikip na compression,
will make you feel comfortable
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad ko lagi na lang nag-iisa

For Instant Updates – Follow US!
http://www.facebook.com/pinoyfitness
http://www.twitter.com/pinoyfitness
http://www.instagram.com/pinoyfitness

PF Online Community -> http://members.pinoyfitness.com
PF Online Shop -> http://shop.pinoyfitness.com

Like this Post!? Share it to your friends!

Ernest Carual
Ernest Carual is an Osteomyelitic that finished his first successful 10K in July 2013, merely months after he turned to running to help improve his physical state. He eventually found his love for running and has completed a Full Marathon and an Ultra Marathon

Leave a Reply

Tags :